Tuesday, August 17, 2010

Stars :)

Ang cute mo talaga ngumiti. Oo, hindi ka gwapo. Haha, nagtaka ka pa? Alam mo naman yung taste ko eh. Hindi ako tumitingin sa mukha. Tumitingin ako sa ugali. Asa ka naman na gwapo ka. Siguro nadala lang ako ng personality mo. Lahat yata ng tao sa mundo pwede mong makasundo eh.

Ayun. Ang sarap sa 50's Diner 'no? First time kong kumain dun. 'Di kasi ako gala sa Baguio. Good girl ako? Hindi rin. Busy lang talaga buhay ko, walang panahong gumala. Tapos 'yun, natuwa naman ako nung nagkayayaan mag-dinner. Gutom na rin kasi ako.

Pagkatapos nun sumabay ako sa'yo pauwi. Gabi na kasi, hindi ako pwedeng umuwi mag-isa. Lalo na sa BREHA, baka bigla ako ma-kidnap. As if naman may magkaka-interes sa'kin. Pero malay mo rin.

Paakyat na yung taxi. Tapos sabi mo, "Uy, ang ganda nung kanta oh." Hindi ko naman na-recognize kaagad kasi postmod ang mga pinapakinggan ko. "Ha? Anong kanta nga ulit 'yan?" "Stars ng Callalily". Ah okay. Tapos bumaba na rin ako, hindi nga yata umabot sa chorus yung kanta eh. Pero ngayon, marining ko pa lang yung intro, kinikilabutan na 'ko.

"If only you could hear me shout your name, if only you could feel my love again, the stars in the sky would never be the same. If only I had wings so I could fly, I wanna be with you for all of time. My love for you will never die. If only you were here."

'Di na nga kita dapat papansinin eh. Masyado kasi akong naha-high 'pag andyan ka. Weird ng epekto mo sa'kin. 'Pag kinukwento tuloy kita, kala nila kung sinong gwapo. Tapos kinabukasan, pagharap kong bigla sa court, nakita kita. Naalala ko, game mo nga pala ngayon. Sabi ng block rep nyo i-cheer daw kita. Hindi ko naman magawa, baka masyado kang makahalata.

Ewan. Alam ko namang nakakahalata ka na. Naramdaman ko yung friendly na pag-iwas mo. Pambihira, kahit sa pag-iwas, friendly pa rin. Desperado na nga akong ipakita sa'yo na hindi ikaw yung crush ko eh. Kaso lang na-guilty ako bigla, at baka mas lalo akong magmukhang desperado. 'Di naman magbabago yung treatment ko sa'yo . Kunyari wapakels na lang ako sa pag-iwas mo. Kunyari walang epekto sa'kin yun.

Sayang. Ang ganda nung kanta nung isang gabi. Kaso sabi, "If only you were here" daw eh. Nasa tabi mo lang naman ako nun, ‘di ba malamang para sa girlfriend mo 'yun?

*FICTION*

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think! :)