Tuesday, August 17, 2010

Malabo kang kausap, 'te!

Pagdating ko sa dorm, humiga agad ako.  Hindi pa naman ako inaantok, pero masama yata loob ko. Ganun naman lagi. Full blast yung earphones ko. Nakikinig ako sa Paramore, Switchfoot, Lifehouse, Vertical Horizon at Fine Frenzy. Para lang humupa yung kalungkutan na nararamdaman ko. Ano na'ng gagawin ko ngayong alam mo na? Gusto ko sanang ipamukha sa'yo na hindi ikaw yun. Kaso lang... ikaw naman talaga. Bakit parang hindi yata okay 'yun? Bakit ganun? Magta-tatlong buwan pa lang naman tayong magkakilala, bakit kaya mahalaga yung mga sinasabi at ginagawa mo? Bakit ako nagagalit, eh malalaman mo lang naman na yun yung nararamdaman ko?

Pride. Hindi nga? Hindi ba matagal nang naubos yung lahat ng pride na kaya kong panghawakan? Sabi nila magkaroon daw ako ng kaunting pride. Tapos ngayong meron ako, gusto naman nilang mawala yun. Ang labo, pare.


Alam mo kung anong mas malabo? Hindi ko alam kung iiwas ka o hindi. Kung iiwas ka, masasaktan ako. Kung hindi naman, ang awkward pa rin. Bakit naman kasi ang stupid ko. Kasalanan ko kaya nahalata mo eh. Tapos feeler ka naman.



Nakakatawa pa, ang ganda ng girlfriend mo. Kamukha n'ya yung niligawan nung ex ko pagkatapos ng break-up namin. Tsk, nako. Sumabay pa 'yun. Birthday na nga pala ng ex ko sa friday. Supposedly, anniversary dapat namin sa 24. Magpa-party na lang ako. :))



Ang daya daya. Sana hindi na lang August.



Labo mo, Krishna. Sisihin daw ba yung buwan ngayon?


*FICTION*

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think! :)