Monday, August 16, 2010

Miss Org :)

Miss Org daw ako. Basta, second week pa lang yun na yung tawag nila sa'kin. Tapos sabi ng upper classmen mahihirapan daw ako in the future dahil sa dami ng org ko. Yung kapwa freshie ko naman, mostly kilala ko dahil sa orgs ko. Cool 'no? Ah ewan.



Eto na lang. Bigyan kita ng list ng mga Orgs ko.


  1. Lifebox - eto talaga. Kahit siguro mapunta pa 'ko sa ibang school, Lifebox member pa din ako. Kabilang sya sa "religious organizations". Pero Lifebox is more than about religion for me, it's about having a personal relationship with God. :) Siguro nakaka-survive ako ngayon sa Baguio dahil sa kanila. Lifebox exists to Honor God and Make Disciples.

  2. Outcrop - Official Student Publication. Hindi naman daw kasi org ang Outcrop. It's an institution. Hindi pwedeng diktahan ng administration. Dito ko lang talaga na-experience yung real Press Freedom. Ibang iba sa typical high school pub mo, kasi hindi mainstream media ang Outcrop. Masaya ako sa kanila :) Dito talaga namulat yung mata ko sa mga bagay-bagay eh. Nag-apply ako for Photojourn & Lay-out artist, pero news writer din ako.

  3. TABAK - Tanghalang Bayang ng Kabataan sa Baguio. Since 1st love ko ang theater, imposible na hindi ako sumali. Ayun, over ang screening nila talaga. Napunta ako sa Music Pool. The best :D Haha. Masaya naman. Collective ang paglago ng bawat member, hindi pwedeng isa lang. Sobrang dami kong natutunan, at sobrang encouraging nila sa bawat palabas. Para sa bayan ang pagtatanghal nila.

  4. SET-UP - Sining, Eksena, Tinig sa UP. Merong dalawang auditions dito. Nagustuhan ko naman yung org, kaso eventually nag-quit na rin ako. Apolitical kasi eh. Para sakin lang, gusto ko kasi na may purpose talaga yung ginagawa ko. Yung may pag-aalayan ng puso. Yun lang siguro yung hindi ko nakita personally sa org na 'to.

  5. Taekwondo Club - Haha, sa kagustuhang pumayat, sumali ako. :)) Pero di ako masyadong active. Busy kasi eh, at wala pa kasi akong uniform. Pero 2nd Sem talaga, itutuloy ko na 'to. Na-miss ko rin kasi yung training ko nung bata pa 'ko.

  6. ACS - Alliance of Concerned Students. Political Organization. Para siguro sila sa Student Elections. Anyway, naniniwala ang ACS sa SPRAW o Students and People's Rights and Welfare. Sabi nila, pag ACS ka daw, aktibista na. I beg to disagree.

  7. Philo Circle - Or Philosophy Circle. May Philo I kasi ako. Tapos ever since, sobrang love ko na ang Philosophy. Kaya yun, masaya kasi ako sa mga discourses namin. Lalo na nung interview ko, ang tanong ko sa kanila, "Is there such a thing as moving on?" Lumalalim kasi yung pag-intindi ko sa mga bagay-bagay kaya na-enjoy ko talaga sila.

  8. UPB DebSoc - Nag-try out din ako for Debate Society, ayun pasado pero hindi ako tumuloy. Sobrang busy na kasi ng buhay ko, tapos nag-start na sila mag-train kaya ayoko na sumali. Late na 'ko eh. Nag-try din ako sa Argumentum, pero sabi ni Kuya Marco, tsaka na lang daw pag di na 'ko busy.

  9. Anime_HQ - For anime lovers. Obvious? Isang interest org, masaya, colorful at sobrang kulit ng mga tao. Masarap yung binebenta nilang pagkain tuwing Freshie Night. Must try :) Ayung nga, anime fan ako. Pero dahil di ako gaanong addict sa anime, feeling ko di ako papasa kaya di na lang ako tumuloy. Aww, Inuyashaaaa!

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think! :)