Saturday, September 11, 2010

Tagalog Untitled 1.2

Hindi na kasabay ng pag-ulan ang mga luha. Parang nawawala. Tulad ng pagkawala mo, nung gabing tinalikuran mo ako at hindi na bumalik upang malaman man lang kung gaano ito kasakit. At sa bawat pagpatak ng ulan, parang lalo ka lamang inilalayo sa'kin ng oras. Sa bawat yabag ng paa mo, lalo mo lamang sinasabi na hindi ka na babalik... kahit kailan. Paano kaya kung sinundan ko ang mga mata mo? Paano kaya kung sumabay ako sa pagbuhos ng ulan at mag-makaawang bumalik sa'yo? Wala pa rin namang magbabago, dahil nag-iba na ang pintig ng puso mo.

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think! :)