Wednesday, August 18, 2010

Stars Update #1

Nakita kita kanina. Tapos hindi ka umiwas. Hindi nga dapat kita babatiin eh. Kunyari busy akong nagbabasa habang naglalakad. Kaya lang nakita mo 'ko, tapos binati mo 'ko. Ganun ka na ba kabait ngayon? 'Di yata uso sa'yo yung salitang "ilang". Parang wala lang sa'yo eh.



Hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko nung kinuha mo yung paper ko sa Comm 1. Siguro yun ang hirap sa'yo. What you see is what you get. Di mo binasa yung paper ko kasi ang title, "How to Make a Sandwich". 'Di mo lang alam, malupit ang laman 'nun.

Tapos nung kinukuha ko sa'yo, ayaw mong ibigay. Hindi ba parang anlabo nun? Tapos nung tinakbuhan kita, tsaka mo naman gustong ibigay. Sinalubong kita pag-akyat mo sa lobby. Kukunin ko na yung paper ko, baka kasi akalain mong iniwan ko lang sa'yo yun kasi gusto kong mabasa mo. At wala ka ring panahong magbasa, may klase ka pa eh. Kaya yun, nagmamadali akong tumakbo papuntang HKP. 11 AM na kasi. Tsaka ko lang na-realize, tapos na pala yung klase ko, 10 AM pala ang start nun. Windang nanaman ako.



*FICTION*

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think! :)