Masaya ba ako tuwing nagkaka-crush ako sa UP Baguio?
Oo. Inspired ako.
Masaya ba ako sa reaksyon ng mga tao upang ipakita na crush nila ako?
Sa una. Pero ayaw ko kasi nun, wala nang challenge.
Masaya ba ako 'pag nakikita kong nare-realize mong wala na akong gusto sa'yo pagkatapos ng lahat ng
Hindi. Kasi kaibigan kita. Mahalaga ka.
Masaya ba ako tuwing may bago nanaman akong crush na kinakikiligan at pinag-uusapan?
Oo naman. Pero hindi, kapag nandiyan ka sa tabi at nakikinig.
Masaya ba ako na may kakayahan akong saktan ka o paasahin ka kahit wala naman akong ginagawa sa'yo?
Hindi. Hindi talaga.
Masaya pa ba ako tuwing nandiyan ka?
Hindi na.
Pasensya na ha. Ganito lang talaga ako. Wala lang kasi talaga sa'yo yung ugaling hinahanap ko. Pasensya na kung ikinukumpara kita sa isang taong wala namang kinalaman sa'yo. 'Wag ka mag-alala. Nung nakita ko na kawawa ka, napag-desisyunan kong wala na akong crush. Para fair. Kaya ayun, sa mga ayaw maniwala, pasensya, wala na talaga eh.
No comments:
Post a Comment
Tell me what you think! :)